Naglakas-loob siyang pakinggan at sundin ang isinisigaw ng kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon ngunit sa maling sitwasyon. Nauwi ito sa isang mainit na pagkakamali at nag-bunga. Dahil sa takot niya, inilihim niya kung sino ang lalaking dahilan ng kanyang pagiging ina upang maiwasan ang gulo at para hindi siya makasira ng relasyon o makasakit ng damdamin. Kaya ang lahat ay nagtaka, sino raw ang ama?