Hindi lahat ng prinsesa mayaman. Hindi din lahat ng prinsesa nababase sa estado ng buhay, siguro para sainyo Oo tinitingnan niyo lang sa estado ng buhay ng isang tao, mahilig kayong humusga sa tao na kahit kailan hindi niyo pinili na makilala, bakit kaya hindi niyo siya subukan kilalanin baka matuwa pa kayo at magkaroon ng silbi ang buhay niyo. Sa buhay hindi pera ang pinapairal kundi ang puso at isip. Dapat lahat tayo matuto ang rumespeto, maging mapagkumbaba, mapagmahal at maging kontento sa mga bagay na mayron tayo dahil hindi nabibili ng pera ang kaligayahan ng isang tao. At para sa aken, ang tunay na prinsesa, yung taong marunong sa lahat tungkol larangan ng buhay.