Si Dylan Torres ay isang License Professional Teacher (LPT). Nagtuturo siya sa isang public school at maging sa isang private university kung saan tinuturuan naman niya ang mga kolehiyo. Aakalain na sobrang passionate niya sa pagtuturo dahil binubuhos niya ang kaniyang buong araw para dito. Hindi man lang niya magawang mag-aliw-aliw. Ngunit kung bubusisiin ang kaniyang pagkatao, ang kaniyang pagtuturo ay dala lamang ng kaniyang emosyon. Emosyon na ayaw niyang alisin sa kaniyang pagkatao dahil doon siya kumakapit para sa bawat araw na kaniyang haharapin, at ang emosyon na iyon ay nanggaling sa isang babaeng nagpabago ng ikot ng kaniyang mundo. Lahat ng bagay ay kayang ibigay ni Dylan para sa taong mahal niya kung kaya hindi siya humihiling ng kahit ano sa kaniya. Ang tanging kagustuhan lamang niya ay makita ang magandang ngiti ng binibini at gagawin niya ang lahat para sa kaniya. But how long can he hold on to the bare minimum love that he receives from her? And what would be the consequences of holding on to the bare minimum?