🏆 The Wattys Awards 2022 Shortlisted First friend. First love. A summer of many firsts. Walang ibang ninanais si Jeffrey kung hindi ang malayo sa magulong buhay sa Maynila. Gumawa siya ng paraan para pauwiin ng kanyang mga magulang sa bahay ng kanyang lolo at lola, sa maliit at tahimik na bayan ng Anda sa probinsiya ng Pangasinan. Nagwagi siya. Nahanap ang kapayapaan, panandalian, dahil nang makilala ang karismatikong binatang si Dave, nag-umpisang maging magulo ang lahat. Uusbong ang hindi inaasahang relasyong kasing-init ng tag-araw na iyon sa pagitan nilang dalawa. At nang dumating ang takdang panahon para maghiwalay ang kanilang mga landas... handa na bang harapin ni Jeffrey ang mundong wala si Dave? SUMMER OF 2010 is a coming-of-age story about first love, friendship, desire, time and our capability as human beings to cope despite the accumulation of loss in our lives.