First time ko lang magkwento dito sa Wattpad, depressed kasi ako. At sa sobrang boring ng araw ko, naisipan ko ikwento yung past lovelife ko san magustuhan niyo..
Isa akong Bisexual na babae, hindi ako tomboy. Bisexual in a way na nagbibihis babae parin, pero nagmamahal ng kapwa ko babae. Simula bata palang ganito na ako eh, noong bata pa nga ako hindi ko alam na may "Bisexual" pala. Akala ko dati, tomboy, bakla, babae at lalaki lang ang meron. Hahaha.
Pero ikkwento ko lang talaga tong babaeng minahal ko ng sobra. :) Nakilala ko siya nung first year college kami, classmate ko siya. Sweet siya, sweet din ako kaya hindi narin masisisi kung bakit nafall kami sa isa't-isa. December nung nagbibiruan kami ng "I love you" tapos bgla nyang natanong "Ano na ba tayo?" Sabi ko, "Hindi ko rin alam e, tayo ba?" Sabi nya, "Oo, sige. tayo na hahaha" nung una, di ko alam kung matutuwa ako kasi mahal ko narin siya, o malulungkot kasi matalik ko siyang kaibigan. Pero mas pinili kong ituloy. Hanggang sa gabi gabi kaming nagsskype hanggang 4:00 am (Kasi magsisimbang gabi pa ako at matutulog siya) gabi gabi puro kilig, tawa, saya, naalala ko pa pag pinapatugtog ko yung kantang "Binibini" ni Janno Gibbs at "Treat you right" ni TJ Monterde kinikilig talaga ako ng sobra, tinatakpan ko yung cam. tawa sya ng tawa. Hahahaha. Basta, ang sarap sa feeling, yung ramdam mong ang saya saya ng puso mo? Na ayaw mo na matigil. <3 Nagupload siya ng pictures ng Christmas at New Year nila, grabe pag tnitgnan ko yung mukha nya sa picture kinikilig talaga ako. Kakaiba. Hanggang nagpasukan na, araw araw ko siyang sinusurprise, dinadalhan ko pagkain. Minsan magpapalate pa ko pag gutom na sya, papapasukin ko siya tapos ako bibili ng pagkain.