Maghihintay o maghahanap, alin sa dalawa ang pipiliin mo? Maghintay na bigla nalang dumating yung taong para sayo, sa mga panahong hinihintay mo pero hindi mo inaasahan o maghanap hanggang sa tuluyan mong matagpuan yung taong para sayo talaga nakalaan? Hindi madaling maghintay nakaka-inip, at Hindi din madaling mag hanap nakakapagod. Pag naghihintay ka di ka sigurado kung may darating ba talaga, kung maghahanap Naman di rin sigurado kung may matatagpuan. Pwede bang maghintay habang nag hahanap o maghahanap habang naghihintay? Sa Mundo Walang sigurado, sa dami ng tao sa Mundo dimo alam kung sino yung totoong may pake sayo, at kung sino yung tunay na nagmamahal. At ang kwentong ito ay kwento ng isang babaeng may maraming katanungan, punong puno ng imahinasyon ang kanyang isipan, hanggang sa may isang Tanong ang nanatili sa kanya, "Ang pag-ibig ba ay hinihintay o hinahanap".All Rights Reserved
1 part