Ang storyang ito ay hindi base sa totoong buhay, pangalan, lugar at pangyayari ay kathang-isip lamang ng may akda. TAGALOG 🇵🇭 Isang grupo ng kabataan ang nag lakbay sa isang abandonadong paaralan. Ang buong akala nila ay isa lamang adventure o katuwaan ang kanilang pag tuklas sa mga sikretong nakatago sa gusaling iyon ngunit... Hindi nila alam na sakanilang pag pasok sa madilim na mundo ay hinding-hindi na sila muling makakalabas pa. Mag tago upang hindi mamatay sa kamay nang masamang nilalang na pilit tinatago ang madilim na sikreto. Sa kanilang pag lalakbay ay sari-saring sikreto ang kanilang mabubuksan... Hindi sila ligtas sa pagkat may ispiyang patuloy na kaharap nila. Paano nga ba sila makakaligtas sa impyernong kanilang pinasok? O makakaligtas pa kaya sila? Tara, sama kang pasukin ang mundo ng IMPYERNO.