Sa kasalukuyang panahon, si Celestina "Celine" Villareal, isang kilalang mag-aaral sa UST, ay abala sa mundo ng camera, event hosting, at social media. Ngunit sa likod ng kaniyang ningning, may pagkasuklam siya sa kasaysayan mga araling para sa kaniya'y walang saysay at lipas na.Isang field trip sa Intramuros ang nagbukas ng pinto sa isang panibagong mundo at sa isang balong may lihim na kapangyarihan, siya'y nahulog, hindi lamang sa lalim ng lupa kundi sa agos ng panahon.Taong 1894. Isang kabataang rebolusyonaryo ang sumalubong sa kaniya, Luciano Rizal Mercado, isang guro ng bayan, may matang tila makasaysayan, at tinig na parang alingawngaw ng lumang panata.
Sino siya sa panahong iyon?At bakit tila kilala ng kanyang puso ang mundong hindi niya pinili?Habang lumalalim ang ugnayan ng dalawang kaluluwang pinaglayo ng siglo, unti-unting nalalantad ang lihim ng isang pag-ibig na minsang ibinuwis para sa bayan at ngayon ay muling sinusubok ng panahon.
Sa pagitan ng dalawang mundo, may puwang pa ba para sa isang pag-ibig na pilit binura ng kasaysayan?