Isang lalaking nasaktan, kaya piniling umalis sa poder ng mga magulang, umalis sa mansiyon at lumayo para makalimutan ang taong kailan man ay minahal lang siya bilang isang kaibigan. Masakit namang isipin na ang taong minahal mong lubos ay hindi maaring maging kayo... Sa kadahilanang may unang nag mahal na pala nito at may minahal na ito. Wasak na wasak siya sirang sira kaya bago pa tuluyang masira ang buhay niya lumayo siya. Tumira ng mag isa sa isang apartment na ang kaharap lang nito ay isa ring apartment na ang nakatira ay isang dalagang magbabago sa buhay niya. Isang babae na lubos siyang naiintindihan at palaging nakaka relate sa nararamdaman niya kahit hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang pagka gets ng dalagang yon sa nararamdaman niya. Weird nga naman kung bigla nalang siyang magtatanong sa iyo na "masakit ba?" Hindi niya siya maintindihan. Naiisip niya tuloy kung, tulad niya... Ay nasaktan naba ang dalaga..? 🥰🥰🥰🥰