Mayroon mapagmahal at mabait na pamilya si Nevaeh kahit hindi sila mayaman masaya parin ang kanilang pamilya. Habang nasa classroom si Nevaeh nakaramdam ng gutom kaya naisipan niyang bumili ng pagkain sa cafeteria ngunit habang pababa ng hagdan nadulas ito kaya gumulong pababa bago nawalan ng malay may narinig siyang sumisigaw ng tulong at pag gising niya nasa loob na siya ng isang Nobela bilang si Hazy. Pero hindi si Hazy ang bida sa kwento isa lang siya sa mga taong hindi mahalaga sa kwento at nakatadhanang mamatay. Ano kayang gagawin ni Nevaeh? Hahayaan na lang ba niyang mamatay sa kwento o gagawa ng paraan para maiwasan ang kamatayang nakatadhana sa kanya.