"Gusto ko lang gawin lahat ng gusto ko hangga't hawak ko pa yung oras at pagkakataon." hinawakan niya nang mahigpit ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung kailan at paano ba ako nahulog sa kanya. Basta ang alam ko lang, hinding hindi ko sasayangin ang tiwala at pagmamahal na ibinigay niya sakin. "At gusto kong gawin lahat ng 'yon na kasama ka."