Ang sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalungkutan, at hindi alam kung kailan niya matatamasa ang kasiyahan. Hanggang sa isang tao ang nagparamdam sa kanya ng tunay na kasiyahan. Ngunit, paano kung pandalian lamang? Paano kung ang panahon at tadhana na mismo ang maglalayo sa kanilang dalawa? Isa lamang ang gustong itanong ni Juday... Maibabalik Pa Ba? * * *