"Sorry Babe, hindi ko iniexpect na mahuhulog ako sa kanya."
Nagbabadyang tumulo ang aking luha pero matapang ko siyang tiningnan, nakailang buntong hininga muna bago may lumabas na salita, ang hirap bumigkas, anytime now I can cry but I have to look okay.
"It's okay, naiintindihan ko, eversince naman sinabi ko sayo na basta maging open ka lang if ever na dumating yung time na ma fall ka na sa iba, at least Im still proud of you, di mo ako niloko. Wag kang mag alala. Napaghandaan ko na to."
Nagpilit ako ng isang mapait na ngiti at dahan-dahang tumalikod sa kanya. Rinig ko ang pagtawag niya sa akin habang naglalakad ako papalayo pero, No. I can't face him with tears in my eyes. I know this will be the last time for us.
Goodbye, Sandro.