Payapa, sagana sa likas na yaman, at masiglang buhay ang kinagisnan ni Nowa sa probinsya ng Pangasinan. Pinalaki siya ng may mabuting puso ngunit may tuso at pilyong isipan ng kanyang lola.
She grew up with a wild and carefree lifestyle. Natuto siyang umakyat ng puno upang kumuha ng bunga, lumangoy sa ilog upang manghuli ng palaka at isda, umakyat sa bubong upang ayusin ang cable ng antenna, at kung ano-ano pang gawain na siguradong nae-enjoy niya.
Hirap man sa araw-araw na pamumuhay, sinisiguro niyang may pabaong ngiti at kagaanan ng loob sa tuwing pag-uwi sa kanilang tahanan.
Ngunit nang makilala niya ang english-erong pasahero ng bus na taga-Maynila, isang panibagong opurtunidad ang ibabahagi nito sa kanya na maaaring magbago ng kapalaran niya.
Kapalarang hindi niya masiguro kung mapagta-tiyagaan ba niya o isusuko na lang.
Started: July 14, 2022
Published: July 18, 2022
Ended: --
High school pa lang ay academic rival na ang turing ni Dylan kay Yno, ang taong hadlang sa mga inaasam niyang academic achievements. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya ito kayang lamangan. Hanggang sa tuluyan na nga silang gumraduate at nagcollege. Mabuti nalang at hindi na sila pareho ng pinapasukang university. Finally their rivalry had come to an end.
Ngunit nang dahil sa SK Election, muli na namang umusbong ang rivalry na unti-unti na sana niyang kinalimutan. Ngayon, makikipagtuos ulit siya sa lalaking matagal na niyang sinusubukang pataubin- only this time, fate won't let it happen without a twist.