" Tangna naman oh! Ineenjoy ko lang naman yung napanalunan kong trip to France eh, bat napunta ako sa sitwasyon na to?" naiinis na aniya habang binabagtas ang madilim na tunnel na pinasukan. "Bwisit na doktor yun! Obsessed na yata sa ganda ko! Hanggang dito ba naman sinusundan ako... huhu! San na ba kasi yung labasan!" Hanggang natanaw nya ang isang liwanag. Agad syang tumakbo papalapit roon. Wrong move! Dalawang espada ang nakatutok sa leeg nya. At isang dosenang lalaki na pawang nagulat sa pagpasok nya! "Aaayy!! Mga Foreynjer!" Twelve dashing men in medieval suit! Two armored knights! At isang gigantic lion! "TATAYY!! UWI NA AKO!" ______ Photocredits kay Google😊