Minsan may mga gusto tayong mangyari pero imposible na...Ito ang isa sa masakit na realization ni Vin habang pinagmamasdan ang bungkos na love letters na naipon nya mula kay Skynna Asuncion. Si Sky na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Si Sky na mula sa simula ay pinagtabuyan niya. Si Sky na laging nariyan para sa kanya...Si Sky na hindi napagod sa kanya. Hindi niya mapigil ang luha sa sa huling love letter ni Sky... "...sana minahal mo rin ako nung kaya ko pang maramdaman ang pagmamahal mo..." Kinuha nya ang isang papel at ang ballpen sa mesa... At sinulat ang lahat ng gusto nyang sabihin kay Sky...kahit imposible gagawin niya... Magbabakasakali siyang makarating ito sa dalagang minahal na pala niya simula pa nung una.
4 parts