"Alam mo naman siguro kung gaano kahalaga ang singsing na ito sa relasyon natin 'di ba? Pero basta mo na lang itinapon? Does this mean that you want to break up with me?" Sunod-sunod ang mga tanong nito. "Nang dahil lang sa nakita mo, makikipaghiwalay ka na sa akin? Bakit? Ano ba ang ipinagmamalaki mo, ha? Hindi ka na naman malinis nang nakuha kita, ah?"
Natigalgal siya ng marinig ang sinabi nito. Sa ilang segundo, tila ba tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo habang nakatitig siya rito. Oo, aaminin niyang hindi na siya birhen ng makuha nito dahil noong kabataan ay naging mapusok siya at nakagawa ng mga bagay na hindi pa naman dapat. Ngunit ang marinig ito mula mismo sa bibig ni Krenan, walang kapantay na sakit ang kanyang nadama.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig habang nakatitig dito ngunit ang kanyang mga luha, wala ng ampat sa pag-agos mula sa kanyang mga mata.
Sa huli, natalo ulit siya. Siguro nga, hindi siya nababagay sa mundo ng isang Krenan Le Pierre.
Oo, madaling ma-inlove pero ang manatiling inlove sa isang tao sa kabila ng kanyang kapintasan, mahirap mapanindigan. Ang buong akala niya, mahihirapan siyang pasukin ang mundo ni Kren pero dahil mahal niya ito, nakaya niya. Nawala sa isip niya na baka ang mundo niya ang hindi kayang pasukin at tanggapin ng binata!
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos her ex pretended to be. She knows that he's off-limits, but when circumstances keep bringing them together, maybe fate's got other plans.
****
After getting drunk from a stupid mistake, Swan Tamitha Dominica wakes up in a room that's not hers, stark naked. As she tries to move forward from the humiliating one-night stand, she comes face-to-face with the man whose photo her internet boyfriend used to scam her. The man is Roosevelt Sanvictores, a handsome billionaire and it's not difficult to like him--only if he's not off limits. Determined not to fall for him, Tamitha puts up her walls. But when her heart screams to tear her walls down and she discovers the past she shared with Roosevelt, will she finally listen to her heart?
Disclaimer: This story is written in Taglish.