Namatay ang Boyfriend ni Venice sa isang trahedya. Para makalimot nangibang bansa siya at nakilala niya doon ang naging matalik na kaibigan. Pagbalik niya ng bansa limang taon na ang nakakaraan bigla nalang sumulpot sa harapan niya ang inakala niyang namatay niya ng kasintahan. Masakit ang karanasang iyon para sa kanya, nagkaroon siya ng trauma at Psychological disorder kaya naman natatakot na siyang mahalin itong muli. Ngunit dahil walang dudang mahal niya pa rin ang binata pumayag siyang magpakasal dito ng alukin siya nito. Huli na nang malaman niyang magkaiba pala ang lalaking minahal niya noon sa lalaking pinakasalan niya. Niloko siya ng asawa. Paano kaya tatangapin ni Venice ang lahat kung alam niya sa sariling nahuhulog na rin siya sa asawa at may nabubuhay ng sanggol sa kanyang sinapupunan?