Pagkalipas ng apat na taong pagkukulong sa maliit na mundo niya, ipinasya ni Amber na piliting kalimutan ang mapait na karanasan sa buhay at makipagsapalaran sa Maynila para muling bumangon at tuparin ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang pamilya. Pero ang hindi niya napaghandaan sa kaniyang pagbangon ay ang muling pagsasanga ng kanilang landas ng lalaking pilit na niyang kinakalimutan. Sa muli nilang pagkikita ng dating kasintahan ay mapapatunayan niyang mahal pa rin niya ito sa kabila ng pagdaan ng mga taon. Muling nagmahal ang puso niya para sa lalaking ang nararamdaman sa kaniya ay pagkasuklam. At wala itong ginawa kun'di ang sariwain ang sugat na nag-iwan sa kaniya ng napakalalim na peklat. Darating pa nga ba ang pagkakataon na malalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon, o pinagtagpo lang silang muli para tukdukan ang kanilang relasyon na sinubok ng panahon?Todos os Direitos Reservados
1 capítulo