Story cover for Balantagi | The Rise of the Dark Side by algopresa
Balantagi | The Rise of the Dark Side
  • WpView
    Reads 303
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 6
  • WpView
    Reads 303
  • WpVote
    Votes 10
  • WpPart
    Parts 6
Ongoing, First published Jul 14, 2022
Kaakibat ng liwanag ang dilim. Parehong kailangan para balansehin ang langit, ang kalupaan, at ang mga agi.

Pitong taong gulang lamang si Megara nang masaksihan ang gulo na hatid sa mga puting agi ng ama niya, ang Hari ng Everum. Ang maling hakbang na nagpasimula sa labindalawang taong digmaan. 

Ginugol niya ang oras sa pag-eensayo upang lumakas, tumalino, at maging respetado upang matuldukan ang digmaan nang hindi gumagamit ng dahas.

Alam niyang isang karahasan ang ginawa ng ama ngunit hindi niya rin maalis sa isip na dahil ito sa misteryosong pagkawala ng ina at kakambal niya sa mismong araw na iyon; gayon pa man, nakita ng dalawang mga mata niya ang sinapit ng ilang inosenteng agi sa kamay ng ama niya.

Nang makatungtong sa wastong gulang ay tila ba unti-unting bumagsak sa kaniya ang pagkatanto na sa loob ng mga taon na inilaan niya sa pagpapalakas, hindi niya nasaksihan lahat ng maaaring nangyari sa giyera.

Desididong wakasan ang digmaan, nararapat lamang na alamin niya muna kung ano ang naging epekto nito sa magkaibang panig. 

At para mangyari iyon? 

Lalakad siya sa daan nang itinuring na kalaban.
All Rights Reserved
Sign up to add Balantagi | The Rise of the Dark Side to your library and receive updates
or
#150light
Content Guidelines
You may also like
FANTASY Book 1: THEY EXIST by Neribel_Aldama
51 parts Complete
Ito ang kwentong magbibigay sayo ng pag-asa na kahit magkaiba pa kayo ng mahal mo ay mayroon pa ring chance na maging kayo. Mabigo man kayo o magtagumpay, at least sinubukan niyo. Hindi kayo nagpadala dun sa bagay na pinagkaiba niyo. Marami pa ngang misteryo ang itinatago ng mundo. Marami pang kababalaghan ang hindi pa nalalaman ng mga tao. May mga nilalang pa na nakikihalubilo sa atin na hindi pa natin nakikilala. Sila ang mga Exist. Iyan ang tawag nila sa kanilang mga sarili. Sampung taon lang ang buhay ng isang Exist. Hindi katulad ng mga tao sa sampung taon na iyon ay kawangis na nila ang isang dalawampu't limang taong gulang at kasing talino naman ng isang apatnapung taong gulang na tao. Maliban sa mapanghalina nilang pisikal na kaanyuan ang bawat isang Exist ay nagtataglay ng isang natatanging kapangyrihan na siya lamang ang nagtataglay. Nakatakdang pigilan ni Jelan Areus ang masasamang adhikain ni Jorizce Avio. Tutulungan siya ni Fantasia at hindi nila maiiwasang pagyabungin ang paghangang ikinukubli ng bawat isa. Isa na naman bang kasalanan na dulot ng pagmamahalan ang mabubuo? Paano kung mas maraming lihim pa ang mabunyag? Kakayanin ba ng isang mortal na babae na umibig sa isang lalaking iiwan din siya sa kalaunan? Kakayanin ba ng isang Exist na mawala sa isang babaeng natutunan na niyang mahalin? Pasukin ang isang bagong misteryo. Buhayin ang iyong mga pantasya. Ito ang Your Fantasy: Bed Buddies. To my dearest readers: Dark Erotic Fantasy Romantic Comedy, lahat po yan ay sasakupin ng FTE. Series po ito at ito ang unang libro. Maambisyon ang konsepto ng kwentong ito kaya hindi ka dapat bumitiw hanggang sa huli. Sa lahat ng vampire story lovers dyan heto ang handog ko para sa inyo. Though semi-vampire story lang ito. Hehe! Spontaneous Lady
Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵ by kvssy_Mvrikit
15 parts Ongoing
Akala nila'y tapos na ang digmaan. Nang malipol ang huling kawal ni Hagorn, naniwala ang mga Sang'gre na ito na ang pagbagsak ng Hatoria. Ngunit sa anino ng kanilang tagumpay, may unti-unting nagbabalik - mas madilim, mas sinauna, at walang kapantay. Muling lumitaw ang mga Ivtre. Mula sa ilalim ng Balaak, pinakawalan ni Hagorn ang mga nilalang na nilimot ng panahon - mga nilikhang hindi tinatablan ng kapangyarihan, at walang pagkakakilanlan sa awa. Isa-isa nilang nilalagas ang mga tagapagtanggol ng Encantadia, habang kinukuha ang bawat Brilyante sa kanilang daraanan. Walang sandata ang sapat. Walang Sang'gre ang makakatapat. At sa gitna ng desperasyon, isang desisyon ang ginawa ng Hara ng Lireo, si Amihan: buhay sa buhay. Ivtre sa Ivtre. Handa na siyang isakripisyo ang sarili - ngunit may isang lihim na hindi pa alam ng kahit sino. Habang abala ang lahat sa digmaan, si Cassiopea ay naglaho. Hindi upang tumakas, kundi upang sunduin ang isang nilalang na matagal na niyang inililihim mula sa buong mundo... Si Adhira. lumaki sa gitna ng karaniwang buhay - ngunit sa kanyang dugo ay dumadaloy ang kapangyarihang hindi kayang ipaliwanag ng alinmang Brilyante. Dahil si Adhira ang anak ni Cassiopea... at ni Bathalumang Emre. Isang nilalang na kalahating Diwata, kalahating Diyos. Nakalimutang pamana ng liwanag. At sa kanyang pagbabalik, magbabago ang kapalaran ng Encantadia. Kung pipiliin niyang manindigan... O kung lamunin siya ng kanyang sariling kapangyarihan.
You may also like
Slide 1 of 10
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat cover
Lakserf's Obscure: Emergence of the Crack [Book 1] cover
Academia: Hidden Histories  cover
Hinirang cover
FANTASY Book 1: THEY EXIST cover
Ang Gunitang Kapalaran | 𝐄𝐧𝐜𝐚𝐧𝐭𝐚𝐝𝐢𝐚 ✵ cover
The Last Gray-Haired Witch cover
A War Between Us (UNEDITED) cover
Imperium: Legend of Anton (Season 1) cover
Elemental World: The Unexpected Savior cover

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat

104 parts Complete

Dalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, marami ka pang hindi alam. At sa nakatakdang pagtatagpo ng lahat ay maraming lihim ang mabubunyag. Kahit na ang nakasaad sa propesiya ay maaaring magbabago. May tatangis, at may magbubunyi. May mananalo at may matatalo. Ngunit kung sakali mang darating ang oras na ang kadiliman ay magwawagi, huwag mawalan ng pag-asa pagka't di rin naman ito magtatagal. Tiwala lang ang kailangan at pananalig. Hangga't may katiting pa na liwanag sa puso, at hangga't may nagpapaalala sa kaniya kung gaano kasaya ang magmahal, di magtatagal ay gigising ang pusong naliligaw.