PROLOGUE Sa panahon ngayon,normal lang sa mga estudyante ang magkopyahan. Ang gawaing ito ay kasanayan na ni Bryan. Buong akala niya'y walang masamang kahahantungan iyon...pero nagkamali siya. Nagsimulang magbago ang lahat nang biglang nagpakamatay ang matalik niyang kaibigan na si Joshua. At sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay minumulto siya nito. Lumipas ang ilang taon at maging ang kanyang pamilya ay nadamay narin sa mga kababalaghang dulot ni Joshua. Noong una, malaki ang paniniwala ni Bryan na hindi naman masamang mangopya. Pero unti-unting nagbago ang paniniwala niyang iyon nang unti-unti ring nagbago ang buhay nila sa gawaing akala niya'y tama subalit nakakasama pala. Mahilig ka rin bang MANGOPYA ?? Pwes Ngayon palang, binabalaan na kita. BAWAL MANGOPYA. NAKAMAMATAY !! CHAPTER 1 Napatingin ako sa aking orasan. Shet male-late na ako. Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo.pagkatapos ay nagbihis na ako at agad na Bumaba. "Ma ! Pa ! Aalis na po ako!" Sigaw ko sa aking mga magulang na kasalukuyang nag-aalmusal sa kusina. "O anak, Kumain ka muna kahit kaunti lang," aya sa akin ni mama. Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng tinapay na may palaman. "Magbabaon nalang po ako," sabi ko at nagpaalam na ako paalis. Sumakay ako sa jeep papuntang school. Sa totoo lang, Hindi pa naman talaga ako male-late dahil 6:30 pa lang naman ng umaga. Kaya lang naman ako nagmamadali ay kailangan ko makarating sa school ng maaga. Mangongopya pa kasi ako ng assignments. Nakatulog kasi ako ng maaga kagabi kaya hindi ko na nagawa pa ang mga assignments ko. Bukod pa rito, aaminin kong tamad talaga akong gumawa ng mga takdang-aralin.Nakarehistro na kasi sa utak ko na okay lang na hindi gumawa ng assignments lalo na kapag hindi ko maintindihan ang gagawin.All Rights Reserved