I was an easy-go-lucky student back then, yung walang alam sa mga relationships. ‘Yung ginagawang libangan ang pagkakaroon ng crush. ‘Yung magaling lang magpayo sa iba pero sa sarili hindi kasi hindi naman kailangan. ‘Yung hanggang tingin lang sa crush tapos biglang itatanong sa sarili kung “Bakit di ka crush ng crush mo?”. ‘Yung hindi mahilig magtext at lagi lang naka stock sa bahay yung cellphone. At ‘yung taong nangako sa sarili na hindi muna mag bboyfriend dahil pabigat o gastos lang ito. I am Therese Anne Enriquez, at ibabahagi ko sa inyo ang isang karanasan na may kaakibat na saya ngunit mas marami ang sakit. Na kahit ganoon ang nangyari ay sana’y maulit pang muli. Para itama ang mali, gawin ang dapat, ingatan ang mahahalaga, magtiwala at wag puro tamang hinala.. This is my story entitled “Less”. Less care, less pain..Все права защищены
1 часть