Nang makipag-break at abandonahin si Lara ng boyfriend niya sa parking lot ng hotel kung saan dapat ay may dadaluhan silang kasal, kinailangan niyang mag-isip agad ng paraan para may maipakilala sa mga kaibigang nagdududa nang peke ang lovelife niya. She found a savior in the man who picked up her shoes that she threw at her ex-boyfriend's car, and he agreed. Kino the fake boyfriend was a hit. Si Kino na ' naningil' a few weeks later. He needed a date to a party to show his ex that he has moved on, and it worked. Solved na ang mga dilemma nila, at nakatagpo pa sila ng bagong kaibigan sa isa't isa. Pero maliit ang mundo, at may gulong dulot ang pagpapanggap nila. Gulong maaaring sirain hindi lang ang relasyon nila ng mga kaibigan, kundi maging ang magandang nangyayari sa pagitan nila ni Kino. © 2022 by K.N. Bliss