Bago siya mawalan ng malay, siya si Vincent Ursal, isang 21-taong gulang na mag-aaral. Ngunit pagdilat ng kanyang mga mata, hindi na siya si Vincent. Siya na ngayon si Lary Clemente, 29-taong gulang at may asawa. Ang kanyang asawa? Si Dominic Clemente, isang tanyag at makisig na negosyante na may mala-anghel na kaguwapuhan-ang pinakaguwapong lalaking kanyang nakita. Ngunit may isang problema si Vincent: ang lalaking ito ay galit sa kanya. At higit pa roon, si Dominic ay desididong hiwalayan siya. Hindi na siya maaaring bumalik bilang si Vincent Ursal, dahil kasama ng tunay na Lary ay namatay ang pagkakakilanlan ng kanyang dating buhay. Nakulong sa katawan at buhay ng isang taong hindi niya kilala. May dalawang pagpipilian si Vincent-magpatuloy bilang si Lary at harapin ang galit ni Dominic, o subukang tuklasin kung sino siya ngayon. Ngayon, hindi lang pisikal na anyo ang nagbago. Nakabaon sa kanyang bagong katawan ang isang nakaraan at hinaharap na hindi niya matakasan. Kaninong buhay ang kanyang isasabuhay? Author: Koko_Hoshin Genre: Romance-Drama-Suspence Date Started: July 14, 2024 Date Finished: July 28, 2024