Anak ng isang sikat na journalist sa bansa si Junvenne Florez kaya laking gulat ng malaman ng kaniyang ina na may nabuntisan siyang isang waitress. Lalo siyang nagalit dahil inuwi sa bahay ang babaeng iyon at plano pang patirahin sa bahay. Hindi sang ayon ang kaniyang mommy, lola at nakababatang kapatid sa relasyon nila ng babae. Malayo ang boarding house ni Jun sa kanilang bahay kaya napagpasyahan niyang iiwan ang girlfriend na si Dazel Malazaga sa mansion para maging panatag ang kaniyang kalooban habang nasa malayo. Wala ng nagawa ang mommy niya dahil gusto niyang makapagtapos ang anak sa pag-aaral lalo na isang taon nalang, kaya pumayag ang mommy niyang tumira ang girlfriend ng kaniyang anak sa pamamahay niya. Makakaya kayang pakisamahan ni Dazel ang pamilya ng kaniyang boyfriend, na parehong ayaw na ayaw sa kaniya? [WordCount: 30,000+. 5,000 per chapter, except the intro, the prologue and epilogue]