
Matagal nang pinatunayan ni Selene Sancho ang sarili sa mundo ng negosyo. Matapang siya, determinado, at hindi nagpapatalo sa kahit anong pagsubok. Pero pagdating sa pag-ibig? Matagal na siyang sumuko. Ilang beses na siyang nasaktan, ilang beses nang umasa sa maling tao. Ayaw na niyang maranasan ulit ang sakit. Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Dahil sa isang mahalagang kasunduan, napilitan siyang makipag-partner kay Evan Felix Hernandez-isang matalas at mayabang na CEO na agad niyang nakasagutan sa unang pagkikita. Sa bawat negosasyon at pagtatalo nila, hindi niya maiwasang maramdaman ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. Pinilit ni Selene na buuin ang sarili matapos mabasag nang paulit-ulit. Handa ba siyang isugal ulit ang puso niya? Samantalang si Evan, na laging inuuna ang negosyo bago ang damdamin, ay unti-unting natutukso sa ideyang may isang taong kayang baguhin ang pananaw niya. Sa isang mundo kung saan kapangyarihan, ambisyon, at nakaraang sugat ang nagdidikta ng kanilang mga desisyon-may tapang ba silang piliin ang pagmamahal? O mananatili silang nakakulong sa sakit ng nakaraan? *** A story of second chances, healing, and the undeniable force of love-even when you least believe in it.All Rights Reserved
1 part