PROLOGUE "Patawarin mo ako Lance kung bakit tinago ko sa'yo ang totoo."umiiyak kong sabi habang nakaluhod sa harap ng Asawa ko habang siya ay may hawak ng baril. "BAKIT! Minahal kita ng sobra Yannah! Pero tinago mo ang totoo na ang nanay mo ang pumatay sa Mama ko!"sigaw niya sabay putok ng baril. Hindi ko alam ang gagawin ko natatakot na ako kay Lance. "Pero nang nalaman mong patay na ako at ang anak na'tin hinayaan mo lang 'yon! Hindi mo manlang kami hinanap! Kinalimutan mo kami at inisip mo na patay na kami! Sumuko ka kaagad Yannah!"sigaw niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, buong akala ko patay na siya at ang anak namin pero mali ako! Nagtiwala ako sa mga taong akala ko pagkakatiwalaan ko! Kasalanan ko kung bakit nasira ang Pamilya ko! "Lance, please bigyan mo naman ako ng chance upang bumawi sa'yo."umiiyak kong sabi pero tinulak niya ako ng sobrang lakas kaya napasubsob ako sasahig. "Tama na! Ayoko ng makinig sa isang katulad mo!"sigaw niya sabay tutok sa'kin ng baril na hawak niya. "Hindi mo alam ang totoong nangyari Yannah! Kasi kahit akala mo patay na ako! Ako parin ang nagbibigay problema sa buhay mo!"sabi niya sabay ngiti ng sarkastiko. "Ano ang ibig mong sabihin?"nagtataka kong tanong habang nakatingin sa mga mata niya. "Lahat ng mga taong nasa paligid mo ay pinapatay ko! At ang Companya natin na akala mo inagaw sa'yo! Ay hawak ko pa rin!" galit niyang sabi na kinagulat ko. "Lance bakit hindi ka manlang nagpakita sa'kin?"umiiyak kong tanong. "Hindi mo na dapat malaman 'yon kasi papatayin lang naman kita ngayon!"sabi niya sabay ngiti ng sarkastiko. Nagbago na siya. Akala ko happy ending na namin nang malaman kong nagbago na siya sa mga ginagawa niya. Pero akala lang pala iyon. "Bago mo ako patayin pakita mo sakin ang anak ko!" umiiyak kong sabi. "Lance! Pakita mo sa'kin ang anak ko!"sigaw ko habang umiiyak. "Ito na ang katapusan mo YANNAH!" sabi niya sabay ngiti ng sarkastiko bago ako binaril.All Rights Reserved