This is just a work of my imaginative mind. _______________________ Gelo's POV "AKIN NA NGA YAN! BWESET KA TALAGA BANGA!" Sigaw ko kay Jared. Best friend ko yan. Pinaka-makulit na taong nakilala ko at pinaka-GWAPO rin. Ha? Did I said GWAPO? NO! Erase. Erase. "Pumayag ka muna na maging PROM DATE ko." Tsk. Blackmailer. Kung wala lang sanang nakatagong sekreto ko ang nakalagay dun sa notebook ko na hawak niya hindi ako papayag sa hiling niya. Alam niyo ba kung ano ang sekreto na yun? Ang nakalagay kase sa notebook na yun ay mga picture na niya na stolen shot at may nakalagay pa dun na I LOVE JARED. Caps lock pa nga e. Hindi naman sa ayaw ko na maging date siya sa prom. Ayaw ko lang talaga masugod ng mga echoserang mga mukhang tae niyang admirer. Yeah, may admirer yan si banga. As in super dami. Wait alam niyo ba kung bakit BANGA ang tawag ko sa kanya? Kase may isang babae ang tumawag sa kanya na JAR. Tinagalog ko para pang-asar sa kanya. "Okay. Payag na ako. Ngayon ibigay mo na sa akin yan at umuwi kana sa bahay niyo." "Okay." Nang iabot na niya sa akin ang notebook ko ay nakahinga ako ng maluwag. Hinatid ko siya sa may pintuan ng kwarto ko. Humarap siya sakin may sasabihin pa ata. Mag-sasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pinto ng room ko. At dahil sa nasa likod siya nun natumba siya sakin. And before I knew it. He's on top of me at magkalapat na pala ang mga labi namin. Nanlalaki ang mga mata ko habang hindi parin makakilos. "AY BUTIKING NAGTUTUKAAN!" Napahiwalay kami sa isa't isa. Si manang pala ang nag-bukas ng pinto. "Kayong mga bata kayo talaga. Isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo. Ang babata niyo pa gumagawa na kayo ng milagro." After she said that, umalis na agad siya. Hindi naman ako makatingin kay BANGA. I glanced at him once. At NAKATULALA siya. Ako na ang bumasag sa katahimikan. "KULIT MO KASE! AYAN TULOY."All Rights Reserved