Sa kalagitnaan ng problema ni Chassid sa relasyon nila ni Emory kung paano ito mababalik, mapupunta si Chassid sa mundong mauulit ang ibang bahagi ng buhay ni Chassid. Ito ay sa mundo ng mahika. Malalaman niya sa mundong iyon kung gaano kalupit ang ginawa niya sa nakaraan. Pilit niyang aalalahanin kung sino ang dating siya hanggang sa matagpuan niya ang kamukha ng kaniyang dating kasintahan na si Emory sa mundong iyon. Magkakaroon si Chassid ng misyon na iligtas si Emory sa malupit na kamatayan. Paulit-ulit. Hangga't hindi niya ito naililigtas ay magigising ito upang ulitin muli ang misyon. Mahal na mahal niya ang tunay niyang kasintahan. Paano kung mahulog si Chassid sa kamukha ng kaniyang kasintahan? Makakaalis ba silang dalawa sa mundong iyon o lilisan siyang mag-isa?