Story cover for The Curse Of Hiraya by XaviEAr_
The Curse Of Hiraya
  • WpView
    Reads 1,727
  • WpVote
    Votes 124
  • WpPart
    Parts 19
  • WpView
    Reads 1,727
  • WpVote
    Votes 124
  • WpPart
    Parts 19
Complete, First published Jul 22, 2022
Noong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada ng Las Escudos.

Ngunit pagdating ng taong 2023, muling bumalik ang lagim sa barrio, nang sunod-sunod na naman ang pagkamatay ng mga bata-at katulad ng dati, nawawala rin ang kanilang mga laman-loob.

Muling lumaganap ang takot sa barrio dahil ang dating bangungot ay unti-unting bumabalik. Sa paghahanap ng mga kasagutan, maraming katotohanan ang lalantad: Bumalik nga ba ang sumpa? O may kaluluwang hindi matahimik na humihingi ng hustisya? Walang lihim ang mananatiling nakatago magpakailanman. Sa huli, kanino ka kakampi? Kanino ka magtitiwala?
All Rights Reserved
Sign up to add The Curse Of Hiraya to your library and receive updates
or
#58bini
Content Guidelines
You may also like
Close your eyes, Hermosa ✔ by Miss_lesaghurl
34 parts Complete Mature
[ THE WATTYS 2023 SHORTLIST ] "Sabi nila, naglalakbay daw ang diwa ng isang tao habang nahihimbing. Ngunit sakaling makamit mo ang kaligayahan at pag-ibig sa panaginip na binuo ng iyong isip, pipiliin mo pa rin bang magising?" *** Isinilang sa isang marangyang angkan, puspos ng katalinuhan, kayamanan at kagandahan. Isang malaking sumpa pa rin kung ituring ni Camilla ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Sa murang edad ay maaga siyang namulat sa mundo ng pag-aasawa, matapos siyang matali sa isang kasunduan na hindi niya ginusto kailanman. Nang dahil dito, naging madilim ang bawat araw na nagdaan sa kanilang pagsasama. Walang gabi ang lumipas kung saan hindi niya tinitingala ang kalangitan, humihiling at umaasa ng pagbabago sa mapait na buhay na kanyang taglay----at dumating nga ang araw na iyon. Dumating ang isang madilim na tagpo. Isang trahedya ang naganap na bunga ng kataksilan. Mula sa isang mahabang pagkakahimbing, tila isang panaginip ang dumating na siyang magbabago ng lahat. Mula sa isang madugong aksidente, magigising si Camilla at matatagpuan ang sarili sa isang kakaibang mundo. Sa ibang oras. Sa ibang lugar. At sa ibang pagkakataon. At higit sa lahat, sa isang lugar na tila walang lagusan upang makaalpas. Sa maikling panahong pananatili niya roon ay magsisimula na siyang mangulila at hanapin ang daan pabalik sa tunay niyang pinagmulan. Ngunit makikilala niya ang isang misteryosong estranghero na si Emilio---ang magpapabago nang tuluyan sa tibok ng kanyang puso. Gugustuhin niya pa rin bang mahanap ang daan? Kung siya ay bihag na ng pag-ibig? At sa kabila ng mga nakatagong lihim na kanyang matutuklasan... Handa pa rin ba siyang matawag na "Hermosa" sa huling pagkakataon? Date written : April 7, 2022 Ended : March 15, 2023 Language : Tagalog Book cover : Chrys_tala✨
You may also like
Slide 1 of 10
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover
Tossing Coins And Its Consequences cover
The Midnight's Curse (Soon to be publish) cover
Close your eyes, Hermosa ✔ cover
El Gobernador General De Mi Corazón cover
Monasterio de Salvacion cover
IKASAMPUNG PALAPAG cover
Through the Waves of Tomorrow [C] cover
The Missing Piece cover
Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyon cover

BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan)

12 parts Complete

Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang na nakakatakot na halos hindi na tayo patulugin gabi-gabi-mga aswang, bogeyman, halimaw, demonyo, multo, at mga engkanto. Ito ang isa sa mga namana natin sa kanila. ang kahiligang magkuwento at makinig ng mga istoryang kahindik-hindik at kahila-hilakbot. Ang ilan sa atin ay mga seryosong nakikinig o ang iba naman ay apektado, at iilan rin sa atin ay hindi naniniwala o akala nila ito'y laro-laro lamang. Panakot sa mga batang pasaway at ayaw makinig sa mga nakatatanda. Pero lingid sa ating lahat, may mga istorya na magbibigay sa atin ng leksyon, lalong-lalo na, babala. Isang babala na magpapatunay na hindi lang ito laro-laro lamang... babala na magpapatunay may mga nilalang na talagang totoo at nagtatago lamang sa dilim... na hinihintay lang nila na sila'y banggitin... Mas makabubuti kung basahin mo na ang librong ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pang dumating ang dilim... baka magsisi ka sa huli.