Kahit naman sino, gustong maghanap ng sarili nilang kaligayahan. Yung bang kaligayahan na walang hanggan pero sa totoo lang, gusto rin naman nating maramdamam ang tunay na pagmamahal sa taong nararapat para saatin. Totoo nga bang may Happy Ending? Does everyone deserve a second chance kahit na ilang beses ka na nila binigo? Kung sino pa yung tapat na magmahal, siya pa yung iniwan. Ang Dear Pag-ibig, ay storya ng apat na taong nagsakripisyo ng pagmamahal nila. Ang tapat na nagmamahal pero iniwan, ang nagmahal ngunit ang pagmamahal sa kanya ng taong mahal niya ay one-sided, ang umaasa na maibabalik pa niya ang nakaraan at ang gustong makalimot. Ang istorya nina Sab, David, Jane at Andrea. Ang istorya na ito ay para sa mga taong umibig, umiibig, lihim na umiibig, nasaktan, broken-hearted, sawi at sa mga umaasang maibabalik pa ang nakaraan.