Ilang buhay ang dadaanan mo para sa taong mahal mo? Pinagsisihan ni Grace na hindi siya umamin sa kaibigan niya na si Jerome na higit 10 na taon na siyang may gusto dito. Itinago 'to ni Grace hanggang sa ikasal si Jerome sa ibang tao. Sa gabi ng kasal ni Jerome, natagpuan na lang ni Grace na nalulunod siya at hindi niya magawang sagipin ang sarili niya. Pagmulat niya ng mga mata niya, natagpuan na lang niya ang sarili niya sa bahay na tinirahan niya noong high school pa lang siya. Bumalik sa nakaraan si Grace. Sa nakaraan kung kailan gusto siyang ligawan ni Jerome. Aayusin ba ni Grace ang nakaraan at sasagutin si Jerome, o pipiliin niya na lang umiwas para hindi na siya masaktan? A short story.All Rights Reserved