"GUSTO ko na mamatay." Sabi ni Yolla sa kakambal niyang si Hara habang umiiyak.
"Bakit naman?"
"Ayuko na! Nahihirapan na ko. Gusto ko nang sumuko. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ko. Gusto ko nalang mamatay para mawala ang mga problema ko." Humahagulgol sa iyak na sagot ni Yolla.
Napabuntong hininga si Hara dahil sa sinabi nang kakambal.
"Alam mo. May mga tao na gustong mamatay at may mga multo naman na gustong mabuhay. Gusto mong magpakamatay dahil gusto mo lang makatakas sa mga problema mo, habang ang mga multo naman ay gustong mabuhay at handang kunin ang buhay nang ibang tao para lang maranasan ulit ang mabuhay sa mundong ito."
"Meron din na gustong tumalon at uminom nang lason para biglang mamatay pero nagsisisi rin habang unti-unting nawawalan nang malay, dahil sa mga masasayang alaala na ma-aalala nito habang tuluyan nang nawawalan nang buhay. Gusto mong mamatay, may gusto namang mabuhay. Katulad ko, gusto ko pang mabuhay dahil gusto ko pa maranasan ang maging masaya, makapunta sa ibang lugar at madama ang mabuhay sa mundong ito. Yolla, iisa lang ang buhay nang tao." Palihim na tumingin si Hara kay Yolla na nakatingin din pala sa kanya.
Napangiti siya.
"Pero kung gusto mo talagang magpakamatay. Akin nalang ang katawan mo. Palit tayo. Tutal, ikaw naman ang tumulak saakin sa balon, diba?"