Kapag namaglit ang isang parte ng pakiramdam, madadamay ang kabuuan. Kung iisa ang lahat, magiging kawangki ng buntala sa langit ang turing sa bawat patak. Ganito sana ang takbo ng palad ng binatang biktima ng uri ng pag-iral. Pero hindi gano'n lagi ang agos ng dagat sa likod. Lagi't laging may bagyo't ulan, alon at habagat-laging may pula sa bawat araw, 'di laging bughaw. Sa umaga'y nagniningning, datap'wat tuwing lumalatag ang gabi, magiging kaboses ng kalungkutan ang kaniyang pagod at paglirip. Namamaglit, nawawala't nagugunaw. "Ayos lang ako." Isa itong maikling talambuhay ng mga bako sa buhay. Maraming pangalan ang sundalo sa sariling buhay-digmaan. Tanging sining na lamang ang sandigan sa bawat paghinga; nguni't dumating ang bagay na imposible sa blangkong utak. Paano kung nanginginig ka na sa tanging pampakalma? Paano muling matatagpuan ang ganda ng buhay sa palad ng lahat gamit ang matang takot sa sining nito?All Rights Reserved