"Anong meron sa pag-ibig? Bakit maraming tao ang gustong gusto pumasok sa isang relasyon? Bakit maraming taong nababaliw sa mga taong mahal kako nila?" Minsan talaga hindi natin maintindihan yung ibang tao kung hindi natin mararanasan ang naranasan nila. Si Amiah ay yung tipo ng babae na ani mo'y dumaan na sa isang labis na pighati sa pag-ibig, itinatak na niya sa kaniyang isipan na hinding hindi siya papasok sa isang relasyon, at parang ganun na lamang ka laki ang kaniyang pagka disgusto sa salitang "pakikipag relasyon". Ngunit, paano kaya kung tadhana na ang magdala sa kaniya sa isang lugar kung saan niya mararanasan ang lahat ng napapanood niya sa mga palabas, nakikita sa kaniyang mga kaibigan at sa kaniyang kapaligiran? Ang magmahal... Ang pakikipag relasyon... Magbabago na ba ang kaniyang pananaw sa buhay? Halina't tumambay sa Cornelia Street. Pagtatatuwa: Ang storya po na ito ay hango sa aking malawak na imahinasyon, at ang pamagat ay galing lamang mismo sa aking sariling pananaw.
28 parts