Na kay Peppy na ang lahat. Maganda siya, sikat, at may ideal family. At dahil napakabait niya rin, gustung-gusto niyang ayusin ang mga problema ng mga less fortunate friends niya—tamang-tama para sa isang taong determinadong maging pinakabatang advice columnist sa buong bansa. Kahit mapa-organize pa ‘yan ng dance para sa school, idawit yung headmaster niya papuntang ‘90s, o aliwin yung best friend niyang iniwan ng boyfriend nito—magagawa ni Peppy ang lahat ng ‘yon. Pero pa’no kung ang perpektong mundo naman ni Peppy ang gumulo?