Cross Jamero, she's a devilish fighter and no one ever tries to mess up with her. She grew up and became stronger, in order to protect her own neighborhood. At the age of twelve, she started leading her group to battles and would always win every time. Kaya ganoon nalang ang tiwala sakanya ng mga kasamahan niya.
But when she turned fourteen, humarap ang grupo niya sa isang grupong malalakas din, at katulad nila, hindi pa nakakaranas ng pagkatalo. Nang mangyari ang malaking digmaan, marami ang nalagas sa parehong grupo. Kaya naman ay napunta sa sukdulan ang kagustuhan ng mga kalaban nilang manalo, at dinamay ang buong lugar na kinalakihan ni Cross. Maraming mga walang kalaban-laban ang nabawian ng buhay. At nagdulot 'to ng malaking sugat sa puso niya.
Tatlong taong nakalipas, habang abala parin siya sa paghahanap sa grupong gumawa noon sa kanila, ay hindi na nakuntento ang tadhana sa pagsurpresa sa kanya. Nakilala niya ang lalakeng matagal nang naghahanap sa kanya, inutusan ito ng mga Davison na hanapin ang nawawalang anak, kaya doon niya na rin nalaman na hindi pala siya isang tunay na Jamero. Dahil nahanap na siya nito ay kinailangan niyang iwanan ang grupo, at talikuran ang kilala niyang pagkatao.
Nang sunduin na siya ng mga totoo niyang magulang ay ang unang tinanggal ng mga ito sakanya ay ang pangalang kinalakihan niya, from Cross Jamero to Aubrey Jane Davison.
Now, she lived in a whole different world. Ibang iba sa mundong kinalakihan niya, ibang iba sa buhay na nakasanayan niya. Wala naman siyang choice kundi ang tanggapin ito.
Pero anong gagawin niya kung ang unang taong makakapasok sa bagong buhay niya ay isa pala sa mga taong matagal niya nang pinaghahanap? Paano kung ang taong mamahalin niya pa lang, ay ang parehong taong nagdulot ng kamatayan sa mga taong naging parte ng buhay niya?
Paano niya haharapin ang labang hindi niya lubos napaghandaan?
Itinago ni Zarina ang kanilang pagkakakilanlan upang hindi sila mahanap ng mga kalaban nila at makapag-aral ng tahimik. Gustong makuha ng ex-boyfriend niya ang posisyon niya. She acts cold and distant, para maprotektahan ang sarili niya sa magulo na mundong kanyang pinamumunuan.
Ngunit, magbabago kaya lahat kapag nakilala niya si Kurt Xinn, ang King of Gangsters? Magsisimula ba siyang matunaw sa presensya ni Kurt, na nagdadala pabalik ng init na matagal na niyang nakalimutan?
Started: April 6, 2021
Finished: February 26, 2022
PS. Under Revision po ito for now. Asahan po ang mga maling technicalities and typo errors.