Sa pagdaan nang napakaraming kaarawan ni Anna, pagpupuyat sa pag-abang ng bulalakaw, dami ng mga pilik mata na nahulog at binilang, maging ang mga Simbang Gabi na kaniyang kinumpleto, iisa at iisa lang ang hinilong n'ya- ang simple at maliit niyang pangarap. Ang kanyang mga munting pangarap na unti-unting lumaki sa paglipas ng panahon at hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang binubuo. Kahimanáwari, ang kwento na iikot sa mundo ng mga pangarap, katotohanan, pag-ibig at maging ang totoong kahulugan ng samahan na kung tawagin ay pamilya. *Unedited *Winning entry for NayinK's Novel Writing Contest
1 part