Arkcray (Pinoy Fantasy BL)

Arkcray (Pinoy Fantasy BL)

  • WpView
    Reads 13,395
  • WpVote
    Votes 982
  • WpPart
    Parts 30
WpMetadataReadMatureComplete Sun, Sep 25, 2022
Genre: Fantasy, BL, Comedy, Romance, Drama, Action Language: Tagalog Synopsis: Payapang naninirahan ang lahat ng kaharian sa mundo ng Gaia, ngunit isang araw, si Haring Daemon, ang namumuno sa Kaharian ng Helios na siyang pinakamaunlad at may pinakamalaking lupain sa buong Gaia ay nakatanggap ng isang masamang pangitain. Si Haring Daemon ay sinabihan ng isang babaylan na may kapangyarihang makita ang hinaharap, na siya at ang kanyang kaharian ay pababagsakin ng isang nilalang na tinatawag nilang propesiya. Ang propesiya na ito ang siyang magpapabagsak sa Kaharian ng Helios at kay Haring Daemon upang pagbuklirin ang buong Gaia at mamuhay ng pantay-pantay at balanse. Ngunit, dahil sa kalupitan at kasakiman ng Haring Daemon, siya ay tutol dito at nais niyang ipapatay ang nasabing propesiya na siyang nakatakda na baguhin kung ano ang kanilang pamumuhay. Iminungkahi ng babaylan na nakakakita sa hinaharap na ang propesiya ay nagmula pa sa kaharian ng Apollo, ang kaharian ng mga manggagamot. Para kay Haring Daemon, madali niya lang masasakop ang kaharian ng Apollo dahil ang mga nilalang na naninirahan doon ay hindi marunong makipaglaban. Kaya naman walang pasubali na sinakop ni Haring Daemon ang Kaharian ng Apollo at dinakip lahat ng mga Apollan upang ikulong sa Kaharian ng Helios. Ngunit, lingid sa kaalaman ni Haring Daemon, ay may isang nilalang na nakatakas... at iyon ay walang iba kung hindi si Arkcray, ang nilalang na magpapabagsak kay Haring Daemon at sa kaharian ng Helios. Ngunit, paano gagawin ni Arkcray ang kanyang nakatadhang tungkulin kung siya ay isang Apollan na hindi marunong makipaglaban?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • UNDER THE TWO SKIES
  •  Becoming A King
  • LUMINOUS (Fantasy Novel)
  • The Book of Silvania (TaeKook FF) [COMPLETED]
  • Ang Mahiwagang Lihim
  • Trapped
  • Binayaan: Hagupit ng Ganti
  • Apothecary in the Night (Tagalog)
  • Memories Afterall (BoyxBoy)
  • Bulan a Demon's Love (Soon to be Published under WESAPH PUBLISHING)

Para kay Arkin, tapos na ang lahat. Ubos na siya - naulila, nabigo sa pag-ibig, at paulit-ulit na tinadyakan ng buhay. Kahit anong kayod, parang wala pa ring nangyayari. Kaya isang gabi, habang nakatayo sa tulay, tinanong niya ang sarili: "Ito na ba 'yung sagot sa lahat?" Pero sa halip na kamatayan, paggising niya... ibang katawan na ang gamit niya. Ngayon, isa na siyang hari - at hindi basta-bastang hari, kundi 'yung kinamumuhian ng buong kaharian. Sa gitna ng magulong mundo na 'di niya alam, kailangan niyang magdesisyon: susubukan ba niyang ayusin ang buhay ng taong ito, o hahanap ng paraan para makabalik sa dati niyang mundo? Regalo ba 'to, o parusa? Sa ilalim ng dalawang magkaibang langit, isang bagong buhay ang naghihintay. Pero sapat ba 'yun para makalimutan ang dating sakit?

More details
WpActionLinkContent Guidelines