Sabi ng iba, kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong magbigay ng sobra. Darating at darating sa punto na habang nagmamahal ka, hindi mo na alintana na sobra na pala, lagpas ka na sa limitasyon mo.
Pero paano kung kahit alam mo ang limitasyon mo, hindi mo mapigilan ang bugso ng puso? Ipaglalaban mo pa rin ba kahit ang daming hadlang? Kahit sa mata ng lahat ay mali? Kahit ang taong gusto mong makasama ay kailangan mong iwanan at lumayo sa tabi niya?
"Alam ko ang limitasyon ko eh pero shet bakit pagdating sa'yo parang kaya kong sumuway kahit anong kahihitnan ng lahat?"
"I...love you, I do. Please A-Alodia, stay with me. Promise I will save us, trust me. Nagmamakaawa ako, manatili ka naman oh."
"I love you too more than you know but.....we can't. Kahit anong gawin natin, hindi natin kaya kahit ipilit. Mahal man natin ang isa't isa, hindi sapat 'yon para ipaglaban natin ang nararamdaman natin....so please...let me go. P-Pakawalan mo na ako at kalimutan natin...ang lahat."
"N-No, I can't. Kahit manatili ka na lang, ako na ang lalaban para sa ating dalawa. Manatili ka na lang, manatili ka sana."