Sa gabing dapat puno ng saya, liwanag, at alaala, natutunan ni Holly na hindi lahat ng inaasahan mong mangyayari ay para sayo.
Buo ang loob niya na umamin kay Clarence, ang lalaking akala niya ay may parehong nararamdaman para sa kanya.
Pero sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Sa harap ng maraming tao, nasaksihan ni Holly ang isang katotohanang hindi niya inasahan, na ang mga tingin, salita, at atensyon na pinaniwalaan niyang totoo... ay maaaring hindi pala para sa kanya. At sa gabing iyon, hindi lang puso niya ang nasaktan, kundi pati ang paniniwala niya sa sarili.
Habang pilit niyang tinatakasan ang sakit, may isang taong hindi niya inaasahang makakasama sa pinakamahina niyang sandali, si Eliot. Ang rebelde, ang musikero, at ang lalaking tila kabaliktaran ng lahat ng pinangarap niya... pero siya ring unang nakakita sa tunay niyang nararamdaman.
Sa pagitan ng ingay ng mundo at katahimikan ng nasaktang puso, matutunan kaya ni Holly kung paano muling piliin ang sarili?
All Rights Reserved