May dalawang mukha ang mundo. Isang maganda... Kung saan makikita mo ang magagandang kalikasan. Iba't-ibang klase ng mga hayop sa lansangan at himpapawid. Ang malamig na hangin na hindi man nakikita at gaanong napapansin, ay nagbibigay buhay sa bawat isa sa atin. Naalala mo ba yung huling paboritong pagkain na pinagsaluhan niyo ng tropa? O nang pamilya? Napakapalad ng mga tao. Napakabuti ng maylikha. Binuo ang siyensya para maunawaan ng tao ang bawat bagay. Ginawa niya ito upang makita natin kung gaano kaganda ang mundo... Kumpara sa kabilang mukha nito... Madilim... Umaalingasaw ang di kaaya-ayang amoy sa hangin... Kulay itim ang mga ibon... Nakakapangilabot ang tingin ng bawat hayop sa kapaligiran... Maririnig ang daing nung kung sinu-sino sa kung saan-saan... Mga kaluluwang di matahimik, sumisigaw ng hustisya! Ang ilan ay hindi karapat-dapat... Kaya dito na sila mabubulok! Ito ang kabilang mukha ng mundo... Nakakatakot... nakakapangilabot... Kaya wag kang titingin at wag mong naisin pang makita ang di mo dapat makita... Ang mundo ay hindi lamang para sa mga tao! --- " Pakiusap, sunugin mo ang libro Era.. wag na wag mong bubuklatin ito.",yan ang mga huling salita niya sa akin bago mawalan ng buhay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Susunugin ko ba ang libro o hindi? Isang mabigat na desisyon. Bakit? Ano bang mahirap sa pagsunog ng isang makalumang libro? Ngunit si Nono! Paano si Nono? At ang iba pa? Ang librong ito ang natatanging susi upang matulungan ko sila. Ngunit maaari din itong maging istrumento para wasakin ng mga masasamang kaluluwa ang mundo. Sa kabila ng lahat ng babala. Napili kong buklatin ito. Pinili ko ang aking katapusan. " Hindi.. " Huh? Kaninong tinig iyon? Napakaganda ng kanyang tinig. " Hindi kita pababayaan.. ", tinignan ko ang dalawa niyang mga mata. Nasisiguro kong totoo ang kanyang mga sinasabi. Tiyak na pipiliin niyang mawalan ng buhay bago ako. " Patawari-nn mo ako Xinn.."All Rights Reserved