Sa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal, maituturing na isang social stigma ang pagpatol sa may asawa. Isang sitwasyong hindi kailanman maitatama ng isang justification o ng anumang rason. Ang baluktot ay baluktot. Ngunit iba ang pananaw ni Georgina Oliver. Walang mali sa pagmamahal. At kahit bawal ang relasyong pinasok niya, umaasa siyang sa huli, mananaig ang pagmamahalan nila ng lalaking pinag-alayan niya ng kanyang puso at kaluluwa. Yes, Georgina Oliver was a mistress. And she's good at it...