Nawala na lahat kay Sophia. Wala na ang mga magulang niya. Nalugi na ang negosyo ng pamilya niya at ngayon ay nanganganib na mawala ang tahanan na kinalakhan niya, ang tahanan na tanging alaala ng mga magulang niya. Sa gitna ng lungkot at kawalang pag-asa, babalik ang kababata niyang si Hector. Kumakatok ito hindi lang sa tahanan niya kundi sa puso niya, naglalahad ng tulong at pagdamay. Ngunit pagod na ang puso ni Sophia na magtiwala. Para sa kaniya, panandalian lang ang lahat. Lahat ay magbabago, mawawala.