Makalipas ang isang buwan ng pagluluksa ni Mirasol, mula sa masalimuot na pagkamatay ng mga magulang, sumunod na namatay ang kaniyang kapatid na babae. Natagpuan itong basag ang mukha at wala ng saplot sa katawan sa isang bakanteng lote. Labis ang paghihinagpis ng dalaga sa trahedyang sinapit ng kaniyang pamilya. Nalugmok siya sa kadiliman ng depresyon, at halos ikamatay niya ang labis na kalungkutan. Ngunit nang matunton ng mga pulis ang bunso niyang kapatid na lalaki na nagtago sa batas dahil sa salang pagpatay sa kanilang ama, tila nabuhayan ng loob si Mirasol. Ang pananabik niya na muling makita ang mahal niyang kapatid, at ang lihim niyang relasyon, ang nagbigay linaw sa mga totoong naganap sa malagim na pagkamatay ng kaniyang pamilya.
11 Kapitel Abgeschlossene Geschichte Erwachseneninhalt
11 Kapitel
Abgeschlossene Geschichte
Erwachseneninhalt
Sa kalagitnaan ng pagluluksa ni Sharline sa namayapang madre na tinuring niyang ina ay pinagtaksilan siya at inilibing pang buhay. Ngunit sa tulong ng isang misteryosong binata, nakaligtas siya at nagawa pang makapagtago.
Pinilit niyang hukayin ang sariling nakaraan mahanap lang ang salarin na nagtangka sa buhay niya, subalit habang ginagawa niya ito, matutuklasan niyang madilim ang pinag-ugatan ng lahat, lalo na ang nakamamatay na sikreto ng isa sa mga malapit sa kanyang puso.