Ang story na ito ay tungkol sa isang babae na umibig ng sobra at nasaktan din ng sobra.Hindi niya inakalang ganoon na lamang magtatapos ang kanyang One Sided Love Story.Ang taong iningatan,pinahalagahan at minahal niya ng sobra ay iniwasan siya matapos nitong malaman ang kanyang lihim na pagtingin.Isang araw bigla nalang nagbago sa kanila ang lahat.Sa isang iglap ay bumalik sila sa pagiging strangers sa isa't isa.At ang masaklap ay yung siya lang ang nasasaktan habang yung taong minahal niya ng sobra ay hindi man lang pinanghinayangan yung mga pinagsamahan nila.Narealize niya na never pala siyang naging parte ng buhay nito.Para lang siyang naging clown sa isang party na matapos gawin ang lahat ng makakaya niya mapasaya at mapatawa lamang ito ay kakalimutan nalang siya pagkatapos. Para ito sa mga taong nagmahal at nasaktan lang pagkatapos.Para ito sa mga taong gusto nang magmove on at gustong mahalin naman ang sarili nila.