(Published under CLP) - Mga tulang pinagpuyatang isulat tuwing gabi Para sa tatlong tao na nawala sa aking tabi Sa pagsusulat ko ng mga tulang ito, sila ang naging susi, Sa pintuan kung saan makikita ang aking mga pagsisi Araw-araw, lagi akong nagbabaliktanaw Mga masasayang alaala na sa akin inagaw Sa pamamagitan nitong mga sinulat kong tula Muli akong ngingiti sa kalawakan at sa mga tala