Si Lureen Santos ay isang tahimik at mahiyain na babae na sanay na sa pagiging nasa gilid. Sa kabila ng kanyang pagiging simpleng estudyante, hindi niya akalaing papasok siya sa isang magulong mundo ng pagkakaibigan at pag-ibig. Sa pagdating ng bagong school year, makikilala niya ang mga taong magpapabago ng kanyang buhay-mga kaibigang magiging sandalan niya at mga damdaming mahirap ipagkaila. Habang naguguluhan sa kanyang nararamdaman at sa mga komplikasyon ng relasyon, mapapaisip si Lureen kung paano nga ba matutuklasan ang totoong pag-ibig, lalo na kung kailangang magsakripisyo. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang puso? At kanino nga ba siya dapat manatili?