"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon."
Teaser:
Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Pangalawa, para tuluyan na siyang makalayo sa ex-boyfriend niyang ayaw siyang patahimikin. Pangatlo, ang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng malawak na kaalaman sa Korean Fashion World.
Ngunit sa pagharap niya sa panibagong buhay doon sa Seoul, ay muli silang nagkita ni Yohann Choi, ang isa sa miyembro ng sikat na grupong Seven Degrees. Her first love. Hindi akalain ni Kate na ang muli nilang pagkikita ay masusundan pa ng mas marami, matapos siyang maging stylist ng grupo. Umiwas siya sa binata, dahil sa tuwing nakikita niya si Yohann ay pinapaalala nito ang ex-boyfriend niya. Hanggang sa magtalo sila isang araw at nagulat na lang si Kate ng bigla siyang halikan nito sa harap ng maraming tao. He hates him for doing that but that kiss really blow her mind, and it cause her many sleepless nights. Sa pagsasama nilang dalawa, natagpuan na lang ni Kate ang sarili na muling tumitibok ang puso para ka Yohann. Takot man dahil sa pagkabigo niya sa dating nobyo. Muling sumugal si Kate nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Yohann nang magtapat ito sa kanya. Ngunit ang masayang sandali nilang dalawa ay tila isang magandang panaginip lang, dahil nagising na lang siya isang umaga na lahat pala tungkol sa kanilang dalawa ay pawang kasinungalingan lang.
JASON puffed his smoke and looked up the ceiling. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ladder step ng fire escape sa fifth floor. Tahimik ngayon sa campus kasi wala pang mga estudyante at napaka-aga pa. Pero matiyagang nag-aantay si Jason para sa isang dalaga.
Bumukas ang pinto sa susunod na palapag ng fire escape at umupo siyang maigi. Nariyan na si Marjory. He extinguished his cigarette with his foot on the floor, and listened.
Kumanta ang dalaga ng kaniyang worship song at dinasal ang morning prayer. Kasama sa dasal nito ang mga ordinaryong taong kabilang sa buhay nito.
Umangat ang sulok ng mga labi ni Jason at tumingala sa kisame habang pinakikinggan ang panalangin nito.
Isang buwan na niyang naririnig magdasal si Marjory sa fire escape. At isang buwan na ding siyang tsismoso.
Aminado naman siya na hindi para sa kaniya ang mga dasal na 'yon. Talagang hindi niya kayang lumayo kasi tulad ng ibang ligaw na kaluluwa, hinihintay ni Jason na ipagdasal siya ni Marjory Arieta.