Story cover for "Bungang-tulog sa Araw ng Pasko" by LadyPaoxxx
"Bungang-tulog sa Araw ng Pasko"
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
  • WpView
    Reads 9
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 1
Complete, First published Aug 13, 2022
Masaya ang pasko para sa karamihan, ngunit hindi para sa lahat. Sa iba, ang pasko'y palatandaan lamang ng pagiging mag-isa sa gitna ng dapat ay masayang pagdiriwang. Maraming mga anak ang nangungulila sa presensiya ng kanilang mga magulang sa mga ganitong klase ng okasyon. Palaging malamig ang pasko ni Krysta, subalit isang pangyayari ang mas lalong nagpamulat sa kaniya, na ang pasko ay hindi talaga para sa lahat.
All Rights Reserved
Sign up to add "Bungang-tulog sa Araw ng Pasko" to your library and receive updates
or
#4regalo
Content Guidelines
You may also like
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly by BalatSibuyas
49 parts Complete
Simple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang registered nurse. Nangako na lang din siya na ilalaan na lamang niya ang pagmamahal sa kaniyang pamilya na nasa Pilipinas. Sa edad niyang kuwarenta ay tuluyan na siyang napaglipasan ng panahon at napabayaan ang kaniyang pangangatawan hanggang sa tumaba na siya nang husto. Nang kinailangang operahan ng kaniyang pinakamamahal na ina ay napilitan siyang umuwi ng Pilipinas para maalagaan ito. Sa kaniyang pagbabalik ay makikilala niya ang anak ng aristokratang alahera na matalik na kaibigan ng ina. Ang bente-singko anyos na heartthrob at isa ring hopeless romantic na si Stephen Aquino, ngunit head-over-heels naman sa sexy at maganda nitong girlfriend na si Sophie Barranda. Laking dismaya pa niya dahil ipinagkasundo pala siya dito sa kabila ng labin-limang taong agwat nila. Matupad kaya niya ang kahilingan ng ina o pangangatawanan na lang niya ang kaniyang pagiging isang old maid? Ano ang epekto ng kasunduang ito sa sa magandang relasyom nila Stephen at Sophie? Basahin at saksihan ang pagiging mabuting anak, kapatid, at kaibigan ni Beverly, ang kaniyang kulitan at kilig moments kay Stephen, at ang iringan nila ni Sophie. Sila at ang iba pa ang makakasama ni Ms. Beverly sa kaniyang huling biyahe. (Fanfiction for Ms. Regine Velasquez) "Every day is a journey, and the journey itself is home." -Matsuo Basho
You may also like
Slide 1 of 10
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka cover
MINE❤️ [Completed] cover
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly cover
Craving Grecela cover
Unsettled Past cover
My Fantasy, My Reality (PHR 2012) cover
12 Gifts of Christmas: The Gift cover
Loving Mr. Greycus Cuevas cover
With You in the Middle of Nowhere cover
The Tears of the Youngest [COMPLETED] cover

Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka

42 parts Complete

Nayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbibilang ng sukli, nilapitan siya ng tatlong maskuladong kalalakihan at pwersahang ipinasok sa van. Binitbit siya ng mga ito sa mansyon ng mga Torente, kung saan siya napilitang makipaglaro kay Blaise (na may saltik) sa pag-aakalang kapag ginawa niya ito'y makakalaya na siya't makakabalik sa normal na buhay. Ginalingan niya pa man din. Sa kasamaang palad, pinalala lamang nito ang kanyang sitwasyon. Sa sukdulang galak ng mga magulang ni Blaise sa kanyang naging pagganap ay hindi na siya pinakawalan ng mga ito, para hindi na mawalan pa ng kalaro ang kanilang anak, para lagi itong masaya. Hindi sana magiging impyerno para kay Soso ang pagtira sa mansyon kung nanatili lang ang ugali ni Blaise noong una nilang paglalaro. Kaya lang, sa paglipas ng mga araw ay unti-unting lumabas ang sungay nito't hindi na laruan ang nilalaro, kundi mismong ang kanya nang kalaro. Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng suka? At ang mas malaking tanong, kamusta na kaya ang paksiw na niluluto ng kanyang ama gayong hindi na ito nalagyan pa ng karagdagang suka? ****